Monday, March 3, 2008
               
Lunes.
Magisa nagaantay sa Dairy Queen. Masarap and Dilly Bar. May oras lang na pag nagkamali ka sa kagat, susumpungin yung utak mo. Ang sakit pag naramdaman yung lamig.
Hinihintay ko si mama.
Sa mga oras na yun pakiramdam ko, ako ang pinaka-loner/loser. Wala pa si Mama. Ang tagal niya. Di ako makakaalis sa DQ. Sobrang nakakatamad.
1:40 na.
Makakain ko na yung buong Dairy Queen.
Lahat ng dumadaan na babae, tinitingnan ko sa mata. Makikipag-usap.
Parang tatanungin. Nakapag-antay na ba kayo nang ganito katagal?
Hindi lamang sa araw na yun. Sa mata ko ka lang kakausapin.
Approximately 1:55 na.
Wala pa din si mama. Nagdoodoodle na ko sa resibo ng binili ko.
Dinodrawing ko nalang yung mga taong nakikita ko. Nagside view ako.
Mga 8 seconds after, "BETTINA?"
Humarap ako. Sobrang tanga ng itsura ko. "Hi"
Nag-hi naman ako. Nag-hi ako sa taong di ko kakilala pero kilala ako.
Nag-hi ako sa taong first time ko makita buong buhay ko. Umalis siya na parang
MISSION ACCOMPLISHED yung hitsura niya after niya ako makita. Sabay hawak sa fone, text lumabas na. Maganda siya. Magandang batang Babae. Tinedyer. Hindi mukhang taga-dating school ko.
Natuwa ako. Hindi dahil nag-hi siya. Dahil hindi ko na napnsin na nagaantay pa pala ako.
Natuwa ako dahil nakilala niya ako sa side view at malakas ang loob niya. Natuwa ako dahil tumigil ako sa pagdoodle. Natuwa ako dahil misteryosa siya. Imbis umupo at magpakilala, umalis na lamang at ngumiti.
Bumilis oras.
Ayoko na pagisipan pa kung sino siya.
Basta paborito ko siyang tao ngayong araw na to. :)
Hindi toh mababaw. Akala mo lang.               
posted @5:27 AM